CAVITE- ISANG pulis opisyal ang tinanggal na sa serbisyo matapos masangkot sa robbery incident sa Barangay Santiago, General Trias sa lalawigang ito.
Sa pahayag ni Brig. General Jose Melencio Nartatez, Calabarzon PNP Director, ipinag-utos nito ang agarang pagsibak kay Lt. Reynald Afable makaraang mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Base sa ginawang pag-aaral ng tanggapan ni Col. Christopher Olazo, Cavite police director, si Afable kasama ang ilan pang dating police officers at mga sibilyan ay kinasuhan ng kriminal at walang matatanggap na anumang benepisyo mula sa pamahalaan.
Matatandaan na si Afable at 11 iba pa ay positibong nasangkot sa robbery incident noong ika-18 ng Oktubre, 2022 kung saan mahigit na P1 milyong halaga ng mga alahas at mga gamit ang kinuha sa mga biktima.
Si Afable ang pulis na napabalitang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa loob ng comfort room kung saan siya ikinulong makaraang madakip. ARMAN CAMBE