PULIS NABARIL ANG SARILI

CAVITE- NAPATAY ng isang pulis ang kanyang sarili nang aksidenteng makalabit nito ang gatilyo ng kanyang service firearm habang nililinis nitong Biyernes ng umaga kahapon sa Barangay Upli, Alfonso sa lalawigang ito.

Sa report ni Col. Arnold E. Abad, Cavite PNP provincial director kay BGen. Antonio Yarra, Calabarzon PNP Director, kinilala ang biktima na si Cpl. Steve Eduardo Rollon, nakatalaga sa Dasmariñas City police station.

Nagtamo si Rollon ng isang tama ng bala sa tiyan na tumagos sa kanyang puso.

Base sa ginawang imbestigasyon ng Alfonso police force, nililinis umano ni Rollon ang kanyang service firearm na isang .9mm pistol nang hindi nito namalayan na makalabit ang gatilyo at biglang pumutok kung saan sa tiyan tumama ang bala.

Agad na isinugod sa Poblete General hospital si Rollon subalit idineklarang dead on arrival ito ng mga attending physician.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may foul play sa insidente. ARMAN CAMBE