PULIS NAGBARIL SA SARILI

HINDI pa tukoy ng pulisya ang motibo sa ginawang pagpapatiwakal ng isang tauhan ng Station 12 ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng kanilang tirahan Linggo ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa ulat, kasamang kumakain ni Cpl. Mark Pineda, 32-anyos,ang menor-de-edad nitong anak na lalaki sa kanilang tirahan sa Phase 4, Pacakge 2 Blk 13, Lot 21, Brgy. 176 Bagong Silang dakong alas-4 ng madaling araw nang mapansin ng asawang si Lorna, 28-anyos ang pagpasok ng mister sa kanilang silid.

Narinig ng ginang ang ginawang pagkasa ng mister sa kanyang service firearm at ang pagpapaputok nito ng isang beses kaya’t kaagad siyang pumasok sa kanilang silid at dito tumambad sa kanya ang umaagos na dugo sa ulo ng asawa sanhi ng isang tama ng bala.

Humingi ng saklolo sa Sub-Station 12 ng Caloocan City Police ang ginang na sila namang nagparating sa kaalaman ng mga imbestigador sa tanggapan ng Investigation and Detective Management ng North Extension Office (NEO) upang magsagawa ng pagsisiyasat.

Pagpapatiwakal ang inisyal na ulat na isinumite ng mga imbestigador kay Caloocan Police Chief Col. Samuel Mina bagaman nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon. EVELYN GARCIA

7 thoughts on “PULIS NAGBARIL SA SARILI”

  1. 872777 708215The the next time I just read a weblog, I actually hope that this doesnt disappoint me approximately brussels. Get real, Yes, it was my option to read, but I actually thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is generally a couple of whining about something that you could fix when you werent too busy looking for attention. 273460

Comments are closed.