CAGAYAN – ISANG pulis ang nagpositibo sa random drug test na nakadestino sa lalawigang ito.
Mismong si PBGen. Angelito Casimiro, Director ng Police Regional Office-2, ang kumilala sa nasabing pulis na nagpositibo sa drug test na si PMSgt. David Guitering na nakatalaga sa Cagayan-PNP.
Nasa holding unit na ng Police Regional Office 2 si Guitering na kasalukuyang pinoproseso ang administrative case laban sa nasabing pulis.
Samantala, sinabi ni P/Col. Ariel Quilang, director ng Cagayan-PNP, na galing sa PRO2 si Guittering at isang linggo pa lamang siya sa CPPO kaya inaalam pa rin ng pamunuan ng PRO-2 kung matagal na o bago pa lang na gumagamit ng droga ang nasabing pulis. IRENE GONZALES
Comments are closed.