CAVITE – INARESTO ng mga tauhan ng Imus City Police Station ang isang pulis na umano’y namaril ng isang pipi at bingi at isa pang kasamahan nito habang nagdiriwang sa Bagong Taon
Kinilala ang suspek na si PSSg Rolando Luzana, residente ng Gardenville Subd., Pag-asa 2, Imus City, na nakatalaga sa Crime Laboratory sa Camp Crame.
Sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pakikipagtalo ang suspek sa dalawang biktima na kinilalang sina alyas Jed, 18-anyos, pipi at bingi, at kasamahan nitong si Mark Jason Rael, 22-anyos, delivery boy, na kapwa kapitbahay ng suspek.
Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, bigla umanong binunot ng pulis ang kanyang 9mm Glock service firearm at pinaputukan ang mga biktima.
Si Mark Jason Rael ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay at isinugod sa Las Piñas District Hospital, habang si Jedrick De Guzman ay nagtamo ng tama sa kaliwang binti na isinugod sa Medical Center of Imus.
Nakakulong na ang suspek na pulis sa Imus City Police Station na nahaharap na rin sa imbestigasyon. REA SARMIENTO
Comments are closed.