PULIS NASAMPOLAN SA INDISCRIMINATE FIRING

firing

SOUTH COTABATO – SA presinto na nagpalipas ng gabi ang isang pulis nang dakpin ito ng kanyang kabaro makaraang magpaputok ng baril sa kasagsagan ng Kapaskuhan.

Tumanggi naman na kilalanin ni Sr. Supt. Joel Limson, Police Provincial Director ng South Cotabato, ang pulis at sinabing naka-assign ito sa Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Aniya, nagbabakasyon lamang sa Barangay Topland, Koronadal City.

Umano’y warning shot ang ginawa ng pulis dahil nagkaroon ng pagtatalo sa pamilya nito at upang matigil ang sigalot ay nagpaputok umano ang nasabing pulis at nagresulta sa pagpapaputok nito ng baril.

Bagaman una nang nabanggit ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde na matamlay sila sa pagseselyo ng armas, nagsagawa ng muzzle taping ang pulisya sa Koronadal upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan sa stray bullets o ano pang insidente. EUNICE C.

Comments are closed.