PASAY CITY – ARESTADO ang isang police sergeant ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Philippine National Police, Counter Intelligence Task Force (PNP, CITF) at Inspectorate General (IG) sa entrapment operation kahapon ng umaga.
Kinilala ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar ang suspek na si Police SSgt. Rommel Macaspac, nakatalaga sa Pasay City Police.
Nadakip ang suspek pasado alas-10:00 kahapon ng umaga sa panulukan ng Luna St. at Buendia Avenue.
Una nang inireklamo ng habal-habal driver na si Rosendo Rama, taga-Dandan Street, ng naturang lungsod si Macaspac hinggil sa umano’y pangongotong ni Macaspac.
Ayon kay Rama, tinutukan umano siya ng baril sa ulo ni Macaspac nang hindi siya makapag-remit ng halagang P2,000.
Dahil dito kinuha pa umano ng pulis ang P1,500 na natitirang pera ng kanyang asawa.
Sa pamamagitan ng P1,000 marked money ay nadakip ng mga naturang operatiba si Macaspac. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.