PULIS NIRATRAT SA CHECKPOINT, 3 PA SUGATAN

pinagbabaril

SULTAN KUDARAT-PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang pulis na nagbabantay sa checkpoint sa Esperanza.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Arnold Paclibar.

Samantala, sugatan sa insidente ang tatlong kasamahan ni Paclibar na sina Staff Sergeant Chato Maycong; Josephine Danggan, barangay health worker at Arnel Saldo, tanod.

Pawang mga tauhan ng Esperanza Municipal Police Station ang dalawang pulis.

Ayon sa imbestigasyon, pinatigil ng mga opisyal ang isang dumaang motorsiklo sa checkpoint.

Habang nag-iinspeksiyon sila ay bigla raw tumalikod ang suspek at pinaulanan ng bala ang mga nagbabantay.

Nagawa pa raw ni Maycong na makipagbarilin sa salarin subalit tinamaan ito sa kamay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.