PULIS PATAY, 8 SUGATAN AT 2 PA MISSING SA TAMBANG NG NPA

OCCIDENTAL MINDORO- PATAY ang isang pulis, sugatan ang walo pa at nawawala ang dalawang iba pa matapos na tambangan ng hindi mabilang na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Banban, Brgy. San Nicolas, Magsaysay.

Ito ang kinumpirma ni PNP MIMAROPA Spokesperson Police Col Imeda Tolentino.

Aniya, nagsasagawa ng Oplan Tambuli ang mga pulis sa Sitio Banban, Brgy. San Nicolas, Magsaysay, nang sila ay pagbabarilin nang hindi mabilang na miyembro ng NPA.

Dahil dito nasawi si PEMS Jonathan B Alvarez, sugatan naman ang walong mga pulis na sina PSSg Dexter Sagun;Pat Armando Pulido;
PCpl Kim Jason Dimalaluan, PSSg Edwin Vergara;PSSg Michael Sualog;PSSg Michael Enero; PSSGg Nolito Develos; at Pat Danny Soriano.

Nawawala naman ang dalawang pulis na kinilalang sina PCpl Stan Gonggora; at PCpl Nicolas Estocapio, JR.

Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya sa lugar para matunton ang mga NPA na nanambang sa kanilang mga kasamahan. REA SARMIENTO

6 thoughts on “PULIS PATAY, 8 SUGATAN AT 2 PA MISSING SA TAMBANG NG NPA”

  1. 155907 201661You need to be extremely astute at research and writing. This shows up within your original and exclusive content. I agree along with your primary points on this topic. This content material should be seen by much more readers. 281426

Comments are closed.