PULIS-QC FULL ALERT PA RIN

QCPD Director Joselito Esquivel Jr

BAGAMAN tapos na ang paggunita sa Undas, mananatiling nakataas ang alerto ng Quezon City Police District (QCPD) upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero at motorista.

Ayon kay QCPD Director Joselito Esquivel Jr., kahit walang naganap na hindi magandang insidente noong Undas, hindi sila magpapakampate at ngayon ay tutok naman sila sa mga bus terminal sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan, ang dagsang darating mula sa iba’t ibang probinsya.

“The QCPD remains in full alert status as even after Undas with no major untoward incident as security in different public transport terminals and other vital installation in the city remain tight,” ayon pa kay Esquivel.

Dagdag pa ni Esquivel na mananatili rin ang mga Police Assistance Desk sa bus terminals, MRT/LRT stations at maging sa sementeryo, columbarium para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Nanawagan din si Esquivel sa publiko na maging mapagbantay sa paligid at kung may mapansin na kahina-hinala ay ipagbigay-alam sa kanila upang pigilan ang anumang trahedyang gawa ng masasamang loob. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.