PULIS-QC INAKUSAHANG NAKIALAM SA ATM NI LADLAD

landbank

INAKUSAHAN ng tangkang ATM withdrawal ng misis ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) member Vic Ladlad ang mga arresting police mula sa Quezon City Police District (QCPD).

Nalaman ito nang mag-post si Fides Lim, misis ni Ladlad, sa social media na umano’y pinakialaman  ng mga pulis na umaresto sa kaniyang mister ang automated teller machine (ATM)  ng NDFP member.

“I request the concerned authorities to immediately investigate the repeated attempts to STEAL the deposit in my husband Vic Ladlad’s LANDBANK Visa Debit Card… Please just return to us this LANDBANK card that was pilfered during that planting expedition of November 8. Below is the LANDBANK text I received about “UNAUTHORIZED TRANSACTIONS” regarding Vic’s debit card,” ayon kay Ginang Ladlad.

Sinagot naman ni QCPD Director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga alegasyon ng misis ni Ladlad kahapon at iginiit na wala sa mga kinumpiska ng kaniyang tauhan ang ATM ng NDFP member.

Samantala, hinimok ng heneral ang kampo ni Ladlad at si Lim na mag-file ng formal complaint at huwag sa social media.      PAULA ANTOLIN