PULIS SAMANTALAHIN ANG ABSENTEE VOTING

Guillermo Eleazar

TAGUIG CITY – PINA­YUHAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanyang mga tauhan na bumoto sa darating halalan.

Kasabay nito ay sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na kaila­ngang iboto ng mga pulis ang sa tingin nila ay mga kandidato na magdadala ng matinong liderato sa ­ating bansa.

Dahil nasa heightened alert ang buong puwersa ng pulisya sa mismong araw ng halalan sa May 13 kaya binigyan sila ng pagkakataon na bumoto bago pa man ang nasabing petsa.

Sa pamamagitan ng absentee voting ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan kasama na rin ang ilan sa pribadong sektor na makaboto ng mas maaga sa nakatakdang araw ng halalan.

Sa kanilang resolus­yon, pinayagan ng Comelec ang mga pulis naka-assign sa NCRPO at Camp Crame na bumoto sa April 29, 30, at May 1, 2019.

Itinakda ang halalan ng nasabing mga police personnel sa mga sumusunod na lugar.

Kabilang dito ang Camp Crame Multi-purpose Hall sa Quezon City, Malabon City Police Station Eastern Police District Headquarters sa Pasig City, Pateros Municipal Hall, Quezon City Police District Headquarters at Regional Mobile Force Battalion Multipurpose Hall, Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Tiniyak naman ni Albayalde na nakahanda na ang kanilang buong pu­wersa para sa May 13 midterm elections.

VERLIN RUIZ/REA SARMIENTO

Comments are closed.