PULIS SAPOL NG BALA SA ANTI-DRUG OPS

bala

RIZAL – NAGDADALAMHATI ang Philippine National Police (PNP) makaraang isang kabaro nila ang nasawi sa anti-illegal drug ope­rations sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ito na si Sr. Master Sgt. Conrado Cabi­gao Jr., 37-anyos, ng Rizal Provincial Police Office, may-asawa at dalawang anak.

Sa ulat, nagpanggap na buyer si Cabigao upang dakpin ang dalawang lalaki subalit nahalata na pulis ang biktima kaya nauwi sa palitan ng bala ang buy bust operations.

Isa sa suspek ay ginawang human shield ang sariling anak kaya tinamaan ito at namatay habang tinamaan naman ng punglo sa leeg si Cabi­gao na sanhi ng kanyang kamatayan noong Linggo.

Sinabi naman ni Albayalde, na namatay ng may karangalan at dignidad si Cabigao at kahapon ay tinungo nito ang burol ng napaslang na pulis.

“Sgt Cabigao did what he was trained to do to die with honor and dignity of having accomplished the mission of neutralizing the two drug personalities who were the targets of the operation,” ayon sa pahayag ng PNP.

Tiniyak naman ng PNP na ibibigay sa naulila ni Cabigao ang tamang pagkilala at benepisyo nito.

Sa record, si Cabigao ay ika-50 police officer  na napaslang sa matinding operasyon kontra droga na ipinatupad ng pulisya simula noong 2016. EUNICE C.

Comments are closed.