BULACAN- SUGATAN ang isang pulis matapos saksakin ni alyas intsik na reponsable sa pagpatay sa isang person with disability (PWD) nitong pagpasok ng Bagong Taon.
Una nang naglabas ng halagang P200K ang pamahalaang lungsod ng Malolos para sa ikadarakip ng mga suspek na naging dahilan upang agad na matunton ang pinagtataguan ng mga ito sa Barangay Caniogan kasama ang dyowa nitong bakla.
Sa report ni Lt.Col.Ferdinand Germino kay PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang nadakip na suspek na si Joshua Paul Magsakay, 18 -anyos alyas Instik, vice chairman ng Malolos Bad Child at residente ng Brgy, Anilao habang nakilala naman ang sugatan na pulis na si Cpl.Aquino na sinaksak sa kaliwang bahagi ng katawan.
Samantala, nagpapatuloy naman ang manhunt laban isa pang suspek na si alyas Aljay na residente sa bayan ng Calumpit.
Matatandaang ang grupo ng Malolos Bad Child (MBC) ang nasa likod ng kasong pagpatay sa biktimang si Christopher Velasco, 32-,anyos, isang PWD.
Ayon kay Maj.Clemente, apat na menor de edad na suspek ang nasa pangangalaga ng DSWD habang nakakulong na sa Malolos City Jail ang tatlo na kapwa nahaharap sa ibat-ibang kaso.
Kasong Murder, Direct Assault at Sec,11&12 ng RA 9165 ang isasampang kaso laban kay alyas intsik.
THONY ARCENAL