PULIS, SUNDALO NAGSIMULA NANG BUMOTO

UMARANGKADA na ang absentee voting para sa mga rehistradong miyembro ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police at maging sa ibang ahensiya ng gobyerno na nag-avail para sa Local Absentee Voting (LAV).

Kahapon nagsimula nang bumoto ang may 30,000 mga pulis at sibilyan na tauhan ng PNP para sa absentee voting.

Mahigit 3,000 dito ay Crame based personnel at halos 27, 000 naman ang mga nasa police regional office.

Inihayag naman ni Philippine Army spokesman Col Xerxes Trinidad, ngayon araw na ito may 800 na kasapi ng Hukbong Katihan ang boboto sa kanilang punong himpilan na gaganapin sa Phil. Army Officers Club.

“The HPA will facilitate the conduct of LAV on 28 April 2022 to be held at PAOC. There are almost 800 qualified voters who will cast their votes on that day,” ani Xerxes.

Samantala, sa Multi Purpose Center sa Camp Crame ang venue para sa Crame-based PNP personnel habang ang mga kampo naman sa Police Provincial Office ang venue para sa mga PNP personnel sa probinsya.

Pagkatapos bumoto, ipapakalat agad ang mga pulis sa kanilang mga assignment sa eleksyon para magsilbing dagdag-pwersa a mga pulis na una nang naipakalat para magbantay ng seguridad.

Magtatagal ang absentee voting hanggang bukas araw ng Biyernes, Abril 29 para sa mga botanteng magdu-duty sa mismong araw ng national and local elections sa bansa sa Mayo 9.

Base sa datos ng Commission on Elections (Comelec) aabot sa kabuuang 93,698 military, police, government at media personnel, ang nag-aplay sa LAV.

Sa naturang bilang, 84,357 botante lamang ang pinayagang makapag-avail nng LAV at makaboto para sa

national positions kabilang na rito ang presidente, bise presidente, senador at party-list lamang.
Hindi naman inaprubahan ang aplikasyon ng may 9,341 indibidwal dahil hindi sila rehistrado o kaya ay na-deactivate mula sa voters’ list.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang pagboto ng mga military, police at government personnel ay pinangangasiwaan ng pinuno ng kani-kanilang tanggapan, na siyang mamamahagi ng balota.

Ang mga media personnel naman ay boboto sa Regional Election Director – National Capital Region (RED-NCR). VERLIN RUIZ