ISABELA -KALABOSO ang 47-anyos na pulis-Echague na sinasabing nangikil ng P1.2 milyon sa isang misis makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Regional Integrity Monitoring and Enforcement Team (RIMET) sa inilatag na entrapment operation sa Barangay Mabini, Santiago City sa lalawigang ito kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO-2) , kinilala ang suspek na si P/Master Sgt. Arthur Coloma Salvador ng Purok River Side, San Antonio sa bayan ng Alicia, Isabela.
Nabatid na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Nimfa Remigio kaugnay sa pangingikil sa kanya ng pulis kapalit ng settlement sa mga kasong estafa.
Kaagad na inilatag ng police counter-intelligence agents ng Cagayan Valley police , CIDG, Santiago Police at Echague police sa pamumuno ni P/Capt. Carmelo Palos ang entrapment operation na ikinadakip ng suspek habang tinatanggap ang malaking halaga sa parking lot ng isang mall sa Santiago City.
Narekober sa suspek ang P1.2 milyong marked money kung saan nahaharap ito sa kasong robbery extortion at posibleng masibak sa trabaho na walang makukuhang benepisyo.
Itinanggi naman ng suspek ang ang paratang na extortion laban sa kanya. IRENE GONZALES
Comments are closed.