PULIS UTAS, 1 SUGATAN SA PANANAMBANG

baril

LANAO DEL SUR-DEAD on the spot ang isang pulis habang malubha namang nasugatan ang kasamahan nito matapos silang tambangan sa bayan ng Marantao sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Agad namatay sanhi ng tama ng bala sa ulo si Police Master Sgt. Hnor Aminod Tander, samantalang ang kasalukuyang ino-obserbahan pa si Police Master Sgt. Khadafy Goling Bantuas.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang pananambang Barangay Ragayan dakong ala-6:40 umaga habang magka-angkas sa motorsiklo ang dalawang pulis na nakatalaga sa  Marantao Municipal Police at tinatahak ang national highway papunta sa kanilang himpilan nang dikitan ng riding in tandem at paulanan ng bala .

Sinasabing nagawa pang makaganti ng hindi pa nakikilalang gunmen na  tumakas.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa pananambang at posibleng kakikilanlan ng mga salarin. VERLIN RUIZ