PULIS UTAS SA SARILING BARIL

NEGROS ORIENTAL – PATAY na nang matagpuan ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na may tama ng bala sa ulo sa nitong nakalipas na araw ng Sabado.

Ayon sa report ng pulisya, nakilalang ang pulis na si Police Staff Sergeant John Kelly N. Catedral na nakatalaga sa La Libertad Police Station.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Negros Oriental Police, pinaniniwalaang ang ikinasawi ng biktima ay dahil sa accidental firing, o sariling baril ang nakapatay sa biktima.

Nabatid na ang biktima ay sakay ng kanyang scooter patungo sa La Libertad Proper ng maganap ang naturang insidente dakong alas 9 ng umaga sa kahabaan ng national hiway sa Sitio Looc, Barangay Martillo sa nabanggit na na bayan.

sa salaysay ng mga nakasaksi, huminto sandali ang pulis sa gilid ng kalsada upang ayusin ang kanyang long firearm na inisyu sa kanya. Ito ay isang Galil assault rifle.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar ay naabutan ang wala nang buhay na katawan ni Catedral sa gilid ng kanyang scooter at may matinding tama ng bala sa kanyang ulo.

Narekober sa ilalim ng scooter ni Catedral ang empty cartridge ng 5.56 caliber rifle.
Nakuha na ng mga awtoridad ang baril ng biktima at ipoproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). EVELYN GARCIA