PULISYA DOBLE KAYOD SA VOTERS REGISTRATION AT 2022 ELECTIONS

KAHIT na pinaboran na ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling na pagpapalawig sa voters registration ng tatlong Linggo, doble kayod pa rin ang Philippine National Police (PNP) para tiyaking magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng Halalan sa 2022.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakikita ngayon ang pagnanasa ng taumbayan na lumahok sa political exercise sa pagmamagitan ng pagparehistro at makaboto ang humihikayat sa mga pulis na tiyakin na magiging ligtas. mapayapa at maayos ang halalan.

Una nang tinutukan ni Eleazar ang pagpapaigting sa kampanya ng pulisya na labanan ang karahasang dulot ng private armed groups at mga grupong nasa likod ng pagpapakalat ng loose firearms na siyang banta sa eleksiyon.

“The large number of Filipino people who still want to register only encourages your Philippine National Police to work double in laying down the groundwork for peaceful, orderly and honest conduct of the elections next year,” ani Eleazar.

“Our aggressive operations against private armed groups and loose firearms have been intensified in order to deny any individual and group the opportunity to hijack the healthy and clean exercise of our democratic process on the days leading to the May polls and the Election Day,” dagdag pa ng heneral.

Kaugnay nito, patuloy na makikipag ugnayan ang PNP sa Comelec para maabot ang iisang layuning maging ligtas at mapayapa ang proseso ng pagpapatala ng mga botante.

Inatasan din ni Eleazar ang mga police commander na magpakalat ng sapat na tauhan sa voters registration areas para tiyakin na ligtas ang publiko at maipatupad din ang minimum health standards sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Samantala, sinabi pa ng PNP Chief na bukod sa extension ng voters registration ay tutukan din ng pulisya ang nakatakdang paghahain ng certificate of candidacy na magsisimula sa Oktubre 1 hanggang 8.
VERLIN RUIZ

136 thoughts on “PULISYA DOBLE KAYOD SA VOTERS REGISTRATION AT 2022 ELECTIONS”

  1. 750926 532135Oh my goodness! an outstanding post dude. Many thanks Even so We are experiencing issue with ur rss . Dont know why Not able to sign up to it. Could there be anybody getting identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 415988

Comments are closed.