PULONG AT CARPIO AYAW PAAREGLO KAY TRILLANES

CARPIO-DUTERTE

AYAW makipag-areglo nina  dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at presidential son-in-law Manases Carpio hinggil sa kasong libelo na isinampa nila kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Atty. Ranier Madrid, abogado nina Duterte at Carpio na walang kasunduang nabuo sa pakikipagpulong ng kanilang kampo sa mga kina-tawan ng senador noong   Biyernes.

Matatandaan na  ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ang mediation meeting sa magkabilang panig.

Sa manifestation ni Madrid ay sinabi nito na hindi handang makipagkasundo kay Trillanes ang kanyang mga kliyente.

Noong Enero 15 ay nag­hain ng not guilty plea si Trillanes sa kasong libel na isinampa laban sa kanya.

Nag-ugat  ang banga­yan ng tatlo nang sabihin ng senador  na sangkot sa illegal drug trade  si  Paulo Duterte,  at nangikil rin umano ito sa ilang ride-sharing companies.

Comments are closed.