Sa kasagsagan ng kaabalahan ng lahat sa paghahanda sa pagsalubong sa kapaskuhan at bagong taon noon nakaraang taon.
Iba naman ang nakasanayang gawin ni Davao City Cong. Paolo “Pulong” Duterte, mas pinili nito na apurahin ang pagbibigay ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa distrito nito na naapektuhan ng hagupit ng Covid-19 sa bansa nung kapaskuhan.
Tinatayang 23,500 na marginalized at displaced workers ang nabiyayaan sa pakikipagtulungan ng mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) at ibang sangay ng pamahalaan.
Kabilang dito ang 952 na biktima ng sunog sa District 1, 2 at 3 na nabigyan ng tulong upang maibsan ang kahirapan na dinulot ng nagdaang sunog.
“Ito na siguro nakagisnan namin. Nasanay kami ng simpleng paghahanda sa araw ng pasko o bagong taon. Mas nanaiisin ko na makatulong sa iba lalo na sa ganitong okasyon. Gaganap tayo ng tungkulin sa ano mang panahon,” pahayag ni Pulong, na anak ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Bukod sa pagbibigay ng Livelihood Caravan, ang tanggapan ni Pulong ay naglaan din ng budget upang magkaroon ng libreng drug-test para suportahan ang anti-drug campaign ng bansa na sa paniniwala nito ay dapat nang mawakasan.
“Salot ang droga, bago pa man ang programa ng ating Presidente ito na ang pangunahing dahilan ng kasamaan at pagkasira ng mga pamilya. Kailangan malabanan ang droga sa ating bansa,” pagtatapos ni Pulong Duterte.
Comments are closed.