PULSE ASIA SURVEY: BBM TUMAAS NG 7% (53%-60%); LENI BUMABA NG 4% (20%-16%)

bbm

MULING tumaas ang ratings ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang umangat pang lalo ito ng pitong porsiyento sa pinakabagong Pulse Asia survey results, na kasabay naman ng pagbagsak ng apat na porsiyento ng katunggaling si Leni Robredo.

Mula sa dating 53% na naitala ng Pulse Asia survey noong December 1-6, si Marcos ay 60% na ngayon.

Si Robredo na mala­yong nakasunod ay da­ting may 20%, ngunit  16% na lang ito ngayon.

Kung pagbabatayan ang napakataas na nume­rong nakuha ni Marcos sa lahat ng ‘geographic areas’ at ‘socio-economic groupings,’ lumilitaw ang pagiging runaway winner nito kung gagawin ang eleksiyon ngayon.

Ang agwat ni Marcos sa pumapangalawang si Robredo ay 48% pre-election preference votes.

Isinagawa ang ‘field work’ ng pinakabagong Pulse Asia survey noong Enero 19-24 kung saan sumirit paitaas ang Covid19 cases dahil sa bagong variant na Omicron. Sa mga panahong ito rin tumanggi si Marcos na magpa-interview sa isang presidential TV program na inorganisa ng GMA Network noong Enero 22.

“The latest Pulse Asia survey results where presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. received 60% pre-election voters’ pre­ference score confirmed what we already know all this time, that the UniTeam standard-bearer is leading far ahead and by a very wide margin from the other presidentiables,” ani Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos.

Ang magkasunod na survey na isinagawa ng Pulse Asia ay parehong may 2,400 respondents.

Dahil sa resulta ng Pulse Asia Pulso ng Ba­yan pre-electoral survey, lalo namang tumibay ang mga naglalabasang numero sa patuloy na pag-angat ni Marcos, tulad ng lumabas na numero mula sa Laylo Research mega polls kung saan ay may 64% voters’ preference rating si Marcos.

Ang Laylo survey ay may kabuuang 15,450 respondents mula sa 80 probinsiya – 38 rito ay mauunlad na lungsod, 1,319 ang munisipalidad at 3,090 barangays.

Nakakuha si Marcos ng 64%, samantalang si Robredo ay may 16% o may diperensiyang 48% mula sa nangungunang presidential candidate.

Kahit ang iba pang respetadong survey firms tulad ng Tangere, Social Weather Station, OCTA Research Tugon ng Masa surveys, Publicus, Issues and Advocacies Center, ay may ganito halos ding resulta at numero.

Pati ang mga ‘informal surveys’ na isinagawa ng DZRH, RMN, at nationwide Kalye Surveys ay nagpapakita rin ng pa­tuloy na pamamayagpag ni Marcos sa mga survey.

“Numbers don’t lie, and it is really humbling to know that our message of national unity is resonating among the overwhelming majority of the Filipino people,” ani Rodriguez.