PULUTAN INUBOS, ITINUMBA NG KATOMA

Pulutan

CAVITE – Pinaniniwalaang katakawan sa pulutan ang isa sa dahilan kaya pinatahimik ang isang tomador ng kanyang kainuman makaraang hatawin ng bakal ang kanyang ulo habang nakikipag-inu­man sa Brgy. Alapan 1-A, Imus City noong Linggo ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Felipe Bobis ng Brgy. Bulkhan sa bayan ng Silang, Cavite habang nasakote naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Jaime Laureles y Bobis, 59, driver, at nakatira rin sa nasabing lugar.

Nakikipag-inuman ang suspek sa biktima nang sumiklab ang mainitang pagtatalo ng dalawa kaugnay sa kawalan ng pulutan na sinasabing sin-imot ng biktima.

Dahil sa kapwa la­ngo na sa alak ang dalawa ay nauwi sa matin­ding murahan hanggang sa mawala sa sarili ang suspek kung saan hinataw nito sa ulo ang biktima gamit ang metal pipe.

Duguang bumagsak ang biktima kung saan naisugod naman sa pagamutan subalit namatay din habang nilalapatan ng gamot at tumakas naman ang suspek subalit nasakote rin sa isinagawang follow-up operation ng pulisya. MHAR BASCO

Comments are closed.