PUMALAG SA PARAK, ADIK TUMBA

patay

MAYNILA – HINDI umobra ang tapang ng isang miyembro ng Sigue-Sigue Comando Gang at dating nakulong sa Iwahig Penal Colony nang pumalag at makipagpalitan ng putok sa awtoridad sa isang buy bust operation sa Quiapo.

Hindi na nakarating ng buhay sa Jose Reyes Memorial Hospital ang suspek na si Dolmar Doctolero, tinatayang may edad sa pagitan ng 30-34, ng 1217 Int 8 Almeda St., Tayuman, Tondo, Manila.

Sa ulat ni SMSgt. Charles John Duran ng Manila Police Homicide section, dakong alas-10:50 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa tabi ng Quinta Market sa Palanca St., Quiapo, Manila kung saan nauna rito ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng MPD-Station 3 .

Gayunman, matapos  ang transaksiyon sa pagitan ng  poseur buyer na si Pat Richard de Guzman at sa suspek ay naramdaman nito na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya pinaputukan ang mga ito subalit nagmintis kaya gumanti si De Guzman at tinamaan ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre 22 at shabu paraphernalias.

Si Doctolero ay da­ting nakulong sa Iwahig Penal Colony dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 at robbery hold-up. PAUL ROLDAN

Comments are closed.