TUMBA ang isang lalaki na pumalag at pinaputukan ang mga pulis matapos silang harangin habang sakay ng tricycle sa Port Area, Manila.
Inilarawan lamang ang napatay na suspek na isang lalaki, katamtaman ang pangangatawan at nasa edad 20 hanggang 25 taong gulang habang nakatakas naman ang isa pa niyang kasama
Sugatan naman si P/Cpl Edmar Dixson Fesway na nakatalaga sa Baseco PCP, PS-5.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), dakong alas-8:45 ng gabi nang mangyari ang engkuwentro sa kahabaan ng 2nd St., Baseco, Port Area, Manila.
Nabatid na nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Baseco PCP nang pinahinto ni Fesway ang isang tricycle lulan ang dalawang suspek upang inspeksiyon.
Dito na nagpaputok ang isang lalaking suspek dahilan para masugatan si Fesway at napilitang magpaputok ang mga operatiba.
Nang tumigil na ang putukan nakitang may tama ng bala ang suspek kaya agad itong dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival habang ang kanyang kasama ay mabilis namang nakatakas at ngayon ay nasa hot pursuit operation ng pulisya.
Narekober sa lugar ang dalawang kalibre .45, bag na may mga drug paraphernalias at mga bala. PAUL ROLDAN
Comments are closed.