PUMALAG SA SEARCH WARRANT BULAGTA

SEARCH WARRANT

CALOOCAN CITY – PATAY ang isang lalaki nang manlaban sa mga awtoridad na tinangkang magsilbi ng search warrant laban sa kanya, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang na­paslang na si Noel Baelo, 47 anyos,  ng Libis Talisay St., Barangay 12 sa natu­rang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:20 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa tahanan ni Baelo.

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ni Judge Ma. Teresa de Guzman-Alvarez ng Regional Trial Court Branch 131, nagtungo ang mga pulis sa tahanan ni Baelo.

Habang ipinaliwanag ni Police Captain Mark Demorito ang proseso, bumunot ng baril si Baelo at saka pinaputukan ang mga pulis na pumalya namang tumama.

Dahil dito, itinulak siya ni Demorito sa loob ng bahay at saka pinaputukan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. EVELYN GARCIA

Comments are closed.