PUMANGALAWA SI MARK VILLAR SA OCTA RESEARCH SURVEY

Mark Villar

Ang UniTeam senatorial bet at dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark A. Villar ay nasungkit ang pangalawang pwesto sa senatorial survey para sa darating na halalan sa Mayo 9 ng OCTA Research sa senatorial preference matapos makakuha ng 55%.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa mga kababayan natin sa tiwala at pagpapahalaga sa aking serbisyo publiko. Maraming salamat din po sa OCTA research masaya po ako sa resulta ng survey. Sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa aking kakayahan na mag lingkod sa ating bansa, mas lalo ko pa pong pag sisikapan na Manalo sa laban na ito”, sabi ni Villar.

Batay sa isinagawang survey mula 22 hanggang 25 April 2022 sa 1,200 respondents mula sa lahat ng social classes sa buong bansa, nangunguna pa rin ang broadcaster na si Raffy Tulfo, na may 63% ng voter preference.

Kasunod ni Villar (55%) sa ikatlo at ikaapat na puwesto ay sina dating senador at ngayon ay Antique lawmaker Loren Legarda (51%) at Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (49%).

Nasa ikalima at ikaanim na puwesto ay sina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (46%), Filipino film actor Robin Padilla (44%), at dating House Speaker Alan Cayetano (40%).

Samantala, ang anim pang senatorial candidates na nakapasok sa winning circle ng OCTA survey ay sina Senador Win Gatchalian (39%), Senador Joel Villanueva (36%), dating Senador Jinggoy Estrada (33%), dating Senador JV Estrada Ejercito (31%) at Senador Risa Hontiveros (31%).

Kamuntikan narin pumasok sa magic twelve ay sina dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay (31%), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (27%), dating Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque (24%), dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar (22%), dating senador Gringgo Honasan (22%), at dating kalihim ng National Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro (20%).

“Para po sa ating mga kababayan, asahan niyo na akin pong ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng Build Build Build Program upang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga manggagawang Pilipino. Malaking bagay po sa atin ang suporta at tiwala ng mga Pilipino. Ako po, kasama ang buong UniTeam ay may iisang adhikain para po sainyo”, dagdag ni Villar.

Si Mark Villar, na ang pangunahing plataporma ay ang pagpapatuloy ng ‘Build, Build, Build’ ng administrasyong Duterte, ay isang dating kongresista ng Las Piñas City.