BUMABA ang foreign direct investments (FDIs) noong Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng BSP, ang August FDI — pangunahing pinagkukunan ng mga trabaho at capital para sa local economy — ay nagposte ng net inflow na $813 million noong Agosto, bumaba mula $820 million noong Hulyo. Mas mababa rin ito ng 14.5% kumpara sa $951 million na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa central bank, ang pagbaba ay dahil sa 21.6% contraction sa nonresidents’ net investments sa debt instruments sa $529 million mula $675 million.
Ang net equity investments para sa buwan ay naitala sa $66 million, mas mababa kumpara sa $76 million sa naunang buwan subalit mas mataas sa $36 million noong August 2023.
Ayon sa BSP, karamihan sa equity capital placements na ito ay nagmula sa Japan at United States at ipinuhunan sa manufacturing, real estate, at electricity, gas, steam, and air-conditioning supply industries.
Ang reinvestment of earnings ay nasa $217 million, tumaas mula $135 million noong Hulyo at $240 million sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Dahil dito, ang year-to-date FDI net inflow ay nasa $6.068 billion, mas mataas sa $5.839 billion sa kaparehong panahon noong 2023