PUMASOK NA FDIs SA PH TUMAAS ($1.048-B noong Nobyembre)

LUMOBO ang pumasok na foreign direct investments (FDIs) sa bansa noong Nobyembre ng nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang FDI net inflows noong nakaraang Nobyembre ay nasa $1.048 billion, tumaas ng 27.8% mula $820 million sa kaparehong buwan noong 2022, at mas mataas sa $655 million noong Oktubre.

Ang latest figure ay pinakamataas din sa loob ng halos dalawang taon, magmula nang maitala ang FDI net inflows sa $2.662 billion noong Disyembre 2021.

This improvement was due mainly to the 57.8% expansion in nonresidents’ net investments in debt instruments to $897 million from $568 million a year ago,” ayon sa central bank.

Year-to-date, ang FDI net inflows ay nasa $7.581 billion o mas mababa ng13.3% kumpara sa  $8.741 noong 2022 — ang  net equity ay nasa $1.104 billion, reinvestment of earnings sa $1.01 billion, at net debt instruments sa $5.465 billion.

Ang top sources ng FDIs noong Nobyembre ay ang Japan at United States.

Ipinadaloy ang mga ito sa manufacturing, real estate, at construction industries.

Notwithstanding the country’s sustained economic growth, FDI remained subdued due to the lingering impact of high inflation and low growth prospects globally,” ayon sa BSP.

Ang ekonomiya ng bansa ay lumago ng 5.6% noong 2023, mas mabagal sa 7.6% full-year growth noong 2022 at mas mababa sa target range ng pamahalaan na 6.0% hanggang 7.0%. Ang fourth-quarter economic growth ay naitala sa 5.6%, bumaba mula sa 7.1% sa kaparehong panahon noong 2022.