PUMATAY SA ALKALDE NG LOS BAÑOS PINALAYA

LAGUNA- LUMAYA sa pamamagitan ng piyansa ang pangunahing suspek sa pagpatay sa dating Los Baños Mayor Cesar Perez, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang suspect na si Marvin Tamisin na dating konsehal at kalaban sa pulitika ni Perez ay pansamantalang pinagkalooban ng ” provisional freed” na iginawad sa kanya ng korte.

Matatandaan na si Mayor Perez ay binaril noong gabi ng Disyembre 3, 2020 sa loob mismo ng compound ng munisipyo habang ito’y naglalakad galing sa isang ehersisyo.

Sa nasabing pamamaril si Tamisin ang itinuturong bumaril sa alkalde at makalipas ang isang taon ay nahuli ito sa lungsod ng Baguio noong Nobyembre 2021.

Mula noon ang suspect ay nakakulong sa Los Banos Bureau of Jail Management and Penology.
Wala ng ibinigay na detalye ang pulisya hinggil sa nasabing pagpiyansa ng suspek. ARMAN CAMBE