(Pumirma ng one-conference contract)YAP BALIK-RAIN OR SHINE

MAGBABALIK si James Yap sa PBA makaraang pumirma sa isang one-conference deal sa Rain or Shine Elasto Painters.

Inanunsiyo ng Elasto Painters ang signing noong Biyernes.

“James Yap is officially back with the Rain or Shine Elasto Painters and will play in the upcoming Governor’s Cup. James was offered a one-year deal, but he opted to sign for one conference only,” wika ng Rain or Shine sa kanilang Facebook page.

Ayon sa koponan, nag-alok sila ng one-year deal kay Yap ngunit pinili nitong pumirma sa mas maikling kontrata.

Si Yap ay kasalukuyang konsehal sa first district ng San Juan City.

Si Yap, isang two-time PBA Most Valuable Player, ay maglalaro para sa Rain or Shine sa darating na Governors’ Cup. Huli siyang naglaro para sa koponan sa 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Ang 40-year-old cager ay sumasama na sa ensayo ng Elasto Painters.