PUNO’T DULO MAGTATAGPO (Lions vs Generals)

NCAA

Standings

W       L

San Beda             9              0

Letran                   6              3

Lyceum                6              3

St. Benilde          6              3

San Sebastian    6              3

Mapua                  3              6

JRU                        3              6

Perpetual Help  3              6

Arellano               2              7

EAC        1              8

Mga laro ngayon:

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. – San Beda vs EAC (Jrs)

10 a.m. – Lyceum vs Arellano (Jrs)

12 n.n. – San Beda vs EAC (Srs)

2 p.m. – Lyceum vs Arellano (Srs)

4 p.m. – Letran vs Jose Rizal (Srs)

6 p.m. – Letran vs Jose Rizal (Jrs)

 

SISIKAPIN ng defending three-time champion San Beda na mapalawig ang kanilang perfect run sa 10 laro sa pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo College sa pag-sisimula ng second round hostilities sa 95th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Magsasagupa ang Red Lions at Generals sa alas-12 ng tanghali.

May tatlo laro na naghihiwalay sa Lyceum of the Philippines University, Letran, College of Saint Benilde at San Sebastian, na magkakasalo sa ika-2 hanggang ika-5 puwesto na may 6-3 kartada, madali na para sa San Beda ang umabante ulit sa ‘Final 4’.

Sa ipinakita ng Lions sa first round ay hindi malayong walisin nila ang double-round eliminations na magbibigay sa kanila ng isang outright Finals berth.

Sa iba pang laro ay maghaharap ang Pirates at Arellano University sa alas-2 ng hapon, habang magpapambuno ang Knights at Jose Rizal University sa alas-4 ng hapon.

Sa kabila ng pangu­nguna at ang makakasagupa ay ang nangungulelat na koponan, pinaalalahanan ni San Beda coach Boyet Fernandez ang kanyang tropa na huwag makumpiyansa.

“We have to remind our players that we are not an invincible team,” ani  Fernandez.

Sa kabila ng pagkawala nina key players Robert Bolick at Javee Mocon dahil sa graduation, ang Lions ay namamayagpag pa rin ngayong season, kung saan umaasa si Fernandez na makakamit ng koponan ang record 23rd title.

“The maturity is there. So sana, maging malawak ng kaunti ang pasensiya namin kasi there are times that we got out from our own system,” ani Fernandez.

Makaraang gapiin ang LPU sa kaagahan ng season, ang EAC ay natalo ng walong sunod at nagtapos sa huling puwesto sa first round na may 1-8 record.

Comments are closed.