PUNO’T DULO MAGTATAGPO

BLACKWATER-ELITE

Standings

W        L

TNT                                       6          1

Rain or Shine                     6          1

Alaska                                  5          1

Meralco                               4          2

San Miguel                          3          3

Magnolia                             3          3

Phoenix                               3          3

GlobalPort                          3          4

Columbian                          3          5

NLEX                                   2          5

Barangay Ginebra             1          5

Blackwater                         1          7

 

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Blackwater vs Rain or Shine

7 p.m. – Meralco vs Phoenix

TARGET ng Blackwater na masundan ang unang panalo sa pakikipagtipan sa Rain or Shine, habang sisikapin ng Meralco na mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto laban sa Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Mataas ang morale makaraang silatin ang pinapaborang Mangolia noong Miyerkoles, sasagupain ng Elite ang Elasto Painters sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon, na susundan ng salpukan ng Bolts at Fuel Masters sa alas-7 ng gabi.

Bagama’t namayani sa Magnolia, underdog ang Blackwater kontra nangungunang RoS at para manalo ay kailangan nilang magpamalas ng A-1 performance tulad ng ginawa nila sa Magnolia.

Nagsilbing bayani si import Henry Walker sa panalo ng Blackwater laban sa Magnolia at mu­ling pangungunahan ng NBA veteran na naglaro sa Miami Heat, ang opensa ng koponan laban sa Rain or Shine.

“The win against Magnolia bolstered the morale of the boys. Hopefully, they will play the same performance against RoS,” sabi ni coach Bong Ramos.

Makakatuwang ni Walker sina Mike de Gregorio, Mac Bele, John Paul Erram, Allein Maliksi, Roi Sumang at James Sena laban kina Beau Belga, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Raymond Almazan at dating Magnolia hotshot James Yap.

Ang RoS ay may 6-1 kartada, kasosyo ang Talk ‘N Text sa unang puwesto.

Samantala, bahagyang pinapaboran ang Meralco kontra Phoenix dahil malalim ang bench ni coach Norman Black.

Sina Jeff Hodge, Reynel Hugnatan, Jared Dillinger, Amer Basir at Chris Newsome ang nasa frontline sa opensiba ng Meralco laban sa tropa no coach Louie Alas.      CLYDE MARIANO

Comments are closed.