PURCHASING POWER NG MINIMUM WAGE EARNERS DUMAUSDOS

Alan Tanjusay

DAHIL sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay patuloy ring humihina ang buying power ng mga manggagawa partikular ang mil­yon-milyong minimum wage earners.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay, ang patuloy na pagbaba ng purchasing power ng sahod ay may negatibong epekto sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Apektado ng high inflation and decreasing purchasing power ang may 11 milyong  walang trabaho,  ang 15.6 million workers na naghahanapbuhay sa  informal economy.

Kabilang sa hanay ng mga manggagawa na apektado ng krisis ang mga entry-level, rank-and-file, contractual, short-term, at end-of-contract employees na tumatanggap ng minimum pay o arawang sahod sa mga manufacturing at  services sector, ayon pa sa TUCP.

Sa datos ng ALU-TUCP, bumagsak na sa P200 ang purchasing power ng daily minimum wage bunsod ng mabilis na inflation, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Mula sa P208.8 noong Hunyo ay P200 na lang ang halaga ng national minimum wage na P335, ayon sa ALU-TUCP.

Wala nang mabibili ang mga manggagawa para sa kanilang mga sarili at pamilya sa P200 kada araw.      VERLIN RUIZ

Comments are closed.