PUSHER HULI SA AKTO

CAUGHT in the act nang pagtutulak ng droga ang isang driver sa isinagawang buy-bust operation ng PNP Bicol nitong sa Zone-1, Brgy San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Ayon sa datos mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, pinangunahan ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Canaman MPS ang nasabing anti-illegal drug operation laban sa suspek na si Reynaldo Delos Reyes, 46-anyos at residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-aari ang apat (4) maliliit na pakete ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”. VERLIN RUIZ