PUSHER LAGLAG SA BICOL PNP

NASAKOTE ng mga tauhan ng PNP- Police Regional Office 5 ang isang tinuturing notoryus drug pusher sa Naga City kasunod ang anti-narcotics operation na ikinasa ng mga tauhan ni P/Brig General Jonnel C. Estomo.

Hindi na naitanggi ng target ng buy-bust ang kanyang modus na lantarang pagbebenta ng iligal na droga sa siyudad ng Naga sa isinawagang buy-bust operation ng Naga City Police Office (NCPO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief P/Major Maria Luisa Calubaquib bandang alas 10:50 kamakalawa ng gabi ng mahulog sa bitag ng kapulisan ang drug personality na kinilalang si Erwin Nebrea Princesa, 41 taong gulang residente ng Vilmar Homes, Brgy.Calaug, Naga City.

Si Princesa ay dinampot ng mga operatiba matapos nitong pabilhan ang poseur buyer ng PNP ng isang selyadong pakete ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang P5,000..

Bukod dito nakuha rin sa kanyang pangangalaga ang apat na iba pang pakete ng “shabu” na may timbang na humigit kumulang 60 gramo. Ito ay may tinatayang halaga na P408,000.00.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Binigyan ni Estomo, ang regional director ng PRO5 ng pagkilala ang mga nanguna sa operasyon na binubuo ng mga tauhan mula sa Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 1 at Intel ng CMFC sa pakikipagugnayan sa PDEA ROV.

“Ito at iba pang mga naging tagumpay natin sa kampanya kontra droga ay patunay ng ating pagsisikap upang masolusyonan ang problemsa sa iligal na droga sa ating rehiyon. We assure the public that we shall remain staunch in performing our duties towards creating a better future for the community.

Muli rin naming hinihingi ang suporta at tulong ng komunidad upang mas mapadali ang ating operasyon laban sa mga pusher at supplier ng droga. Ang ating pagkakaisa ay daan upang maisakatuparan ang ating iisang mithiin para sa isang ligtas at tahimik na pamayanan” ayon kay Estomo. VERLIN RUIZ