BULACAN-PATAY nang manlaban sa pulisya ang umano’y drug pusher habang siyam na iba pa ang nasilo sa anti-illegal drug operations sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Kinilala ni P/Col.Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang nasawi na si Roberto Paco na nanlaban sa pulisya sa Cutcot, Pulilan.
Base sa report ni P/Lt. Col. Jesus O. Manalo Jr., Chief of Police ng Pulilan Municipal Police Station, na dakong alas-9:10 ng gabi noong Biyernes nang magkasa ng buy-bust ope-ration ang SDEU ng Pulilan Police laban kay Paco na nauwi sa pagkamatay nito.
Samantala, nakorner din ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga bayan ng Bocaue, Calumpit, San Rafael at Sta.Maria ang siyam na iba pa. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.