PUSHER NAAKTUHAN SA SHABU, PATAY SA PAGPALAG

CAMARINES SUR- DEAD on the spot ang drug pusher nang mauwi sa engkuwentro ang ikinasang antipnarcotics operartion ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni PBrig General Jonnel C Estomo sa Naga City.

Nasawi sa armed confrontation ang pakay ng anti-drug operation na kinilalang si Marvin Valenzuela, , nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng Zone 1, Brgy. Mabolo sa nasabing siyudad.

Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief P/Major Malou Calubaquib bandang alas -11:45 ng gabi nang isinakatuparan ng mga kawani ng Naga City Police Office (NCPO) kasama ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB 5) ang buy-bust operation laban sa suspek sa Zone 5, Sitio Matiway, Brgy.. San Felipe.

Binentahan ng naturang suspek ang poseur buyer ng PNP ng isang pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang P7,500.00.

Matapos ang palitan ng item, nakaramdam ang suspek na isang bitag lamang ang nasabing transaksyon kaya agad nitong binunot ang kanyang baril.

Pinaputukan ng suspek ang mga operatiba kaya napilitan gumanti ng putok ang mga kapulisan upang dipensahan ang kanilang mga sarili na naging dahilan ng pagkamatay ng suspek. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “PUSHER NAAKTUHAN SA SHABU, PATAY SA PAGPALAG”

  1. 355646 924462forty men and women that function with all of the services Oasis provides, and he is a really busy man, he 675482

Comments are closed.