BULACAN – NADAKIP ng Drug Enforcement Unit (DEU) ang isang shabu pusher na kabilang sa PNP/PDEA unified watchlist makaraang kumagat ito sa buy bust operation sa Barangay Santol, Balagtas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Major Ronnie Pascua, Chief of Police ng Balagtas Municipal Police Station, ang naaresto sa alyas na Bern, 20-anyos, residente sa lugar.
Alas-10:35 ng gabi kamakalawa nang madakip ang suspek ng undercover agent.
Unang isinailalim sa week long surveillance operation ng DEU-Balagtas si Bern at nang magpositibo ay agad nagkasa ng anti-illegal drug operation kung saan saka nasakote ito.
Pinatitindi ang drug war sa bayan ng Balagtas kasunod ng direktiba ni P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) kung saan ang bayan ng Balagtas ay may posibilidad na maideklarang drug free ngayong 2020. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.