PUSHER TIKLO SA P122K SHABU

ARESTADO ang isang listed drug pusher matapos magbenta ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer at makuhanan ng P122,400.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29-anyos ng Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangununa ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng MH Del Pilar corner Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na tinayatang nasa P122,400.00 ang halaga at buy bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Angel. VICK TANES

5 thoughts on “PUSHER TIKLO SA P122K SHABU”

  1. 934613 461965Im so pleased to read this. This is the type of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this greatest doc. 534272

  2. 886012 980621This douche bag loves his illegal bretheren because hes a itiaen of the world and we ought to be ashamed of ourselves I got news for you Asswipe get your asswiping ass back to the craphole exactly where you came from with all of your illegal beaners 583788

Leave a Reply

Your email address will not be published.