PUSHER TUMBA, 1 PA HULI SA DRUG OPS

patay

BULACAN – DEAD on the spot ang isang lalaki na umano’y sangkot sa transaksiyon ng ilegal na droga sa Brgy. Capehan sa bayan ng San Miguel makaraang makipag-engkuwentro sa mga pulis.

Sa report na ipinadala ni PIB Chief P/Lt.Col Luis M Ventura Jr. kay PPNP  Provincial Director P/Col. Dave Poklay, kinilala ang napatay na si Dennis Balaan, nasa hustong gulang at residente sa nabangit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lulan ng 125 motorcycle na walang plaka ang suspek nang makipagkita sa poseur buyer, subalit nakatunog umano ito at bigla na lamang bumunot at nagpaputok ng baril na dahilan ng pagganti ng mga awtoridad.

Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal .38 na baril at 3 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, arestado naman ng mga tauhan ng Provincial intelligence branch ang top most wanted na kabilang sa High Value Target ng PNP  sa bayan ng San Jose Tarlac.

Hapon na nang madakip ang suspek na si Avelino Pascua, 35-anyos, aktibong miyembro ng Bantay-Bayan at residente ng Brgy. Labney.

Nabatid na bago ang pagkakaaresto, lasing na lasing ang suspek kung saan nagdulot na ito ng komusyon at nag-amok sa lugar  at  isinigaw nito na “Walang pulis-pulis sa akin” at bigla na lang nambato ng bote sa mga pulis.

Dahil dito dinakip ang suspek at nakuhanan pa ng isang plastic sachet ng shabu.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa San Jose Municipal jail sa patong-patong na kaso. THONY ARCENAL