BULACAN – ISANG drug pusher na top 8 sa Lambat Sibat provincial level drug watchlist ang napatay habang limang iba pa ang naaresto sa anti-illegal drug war operation sa bayan ng Baliwag at Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan Police Director, ang suspek na si Rommel Garife na taga-Pulilan.
Dakong ala-1:05 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel police sa Barangay Ag-naya sa pangunguna ni P/Lt.Col.Victorino Valdez, hepe ng pulisya ng Plaridel, at kanilang target ang notorious pusher na si Garife ngunit nakatunog ang suspek na aarestuhin na ito matapos ang transaksiyon kaya bumunot ito ng baril at nanlaban kaya napatay habang tumakas ang kanyang kasama patungong Barangay Lumang Bayan.
Nakuha ng Bulacan SOCO Team sa suspek ang isang caliber 38 revolver,14 na pakete ng shabu at buy bust money, samantalang limang iba pang drug suspect ang nakorner sa Barangay Poblacion 2, Marilao at Barangay Sta. Barbara, Baliwag
Kinilala ni P/Lt.Col. Amado Mendoza Jr, Marilao police chief, ang mga naarestong sina Mark Anthony Villasenor, 25; Josua Galupong, 22; Kenneth de Leon, nasa PNP/PDEA unified watchlist; at Miner Bautista alyas Bumbay.
Kabilang din sa watchlist ay si Michael dela Cruz alyas Bukol, 42, na nakapiit na. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.