BULACAN – ISANG drug pusher ang napatay makaraang manlaban kaysa mahuli nang buhay ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa San Jose del Monte habang anim na iba pa ang nakorner sa serye ng buy-bust operation kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.
Base sa report kay P/Col.Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nakilala ang napatay na suspek na si Ryan Gamboa y Nahil, 37, binata, walang trabaho at nakatira sa Sitio 40,Barangay Muzon,SJDM City na namatay namatay dahil sa maikling palitan ng putok bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.
Dakong ala-1:20 ng madaling araw kahapon nang magkasa ng buy bust operation ang DEU ng SJDM City sa overall supervision ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr, hepe ng pulisya sa siyudad sa Paradise Farm sa Barangay Tungkong Mangga sa nasabing lungsod, ngunit nakatunog ang suspek kaya bumunot ito ng baril at kumasa.
Napatay ang suspek habag nakakumpiska ang Bulacan SOCO Team ng 13 pakete ng shabu, isang caliber .38 revolver, buy bust money at isang Lucky Star motorcycle na may plate number NE.43162
Samantala, anim pang drug peddler ang nadakip ng DEU operatives sa serye ng anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue, Meycauayan City, Marilao, Malolos City at Bustos matapos ang week-long surveillance operation at dinala ang nakumpiskang droga sa Bulacan Crime Laboratory sa Malolos para sa eksaminasyon gayundin ang mga nadakip na ipapasailalim sa drug test. MARIVIC RAGUDOS