NAPIGIL na maipagamit ang puslit na 2.2 kilong gamot mula sa China na para umano sa COVID-19 nang maharang ng Bureau of Customs(BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang nasabing gamot ay walang umanong permiso mula sa Food and Drugs Administration (FDA) at hindi rin deklarado ang tunay na laman na nakabalot sa tatlong package para sa iba’t ibang consignee ngunit mula sa nag-iisang shipper lamang.
Una nang ni-raid noong May.1 ng pinagsanib na pwersa ng BOC,NBI at PCG ang isang warehouse sa Singalong,Malate at nakumpiska dito ang mga gamot umano sa COVID-19 mula sa China,Personal Protective Equipments(PPEs) at medical supplies.
Dahil dito ay ibinaba na ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mahigpit na kautusan sa lahat ng kawani nito sa iba’t ibang puwerto sa bansa na maging alerto sa lahat ng shipments mula sa China. NORMAN LAURIO
Comments are closed.