TINATAYANG aabot sa 32 milyong pisong halaga ng cigarette making machines at ibang kagamitan ang dinurog ng pinagsanib na mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Services (ESS) sa Carmona Cavite.
Bukod sa mga sigarilyo kasamang sinira ng grupong ito, ang cigarette making machines at ang materyales na ginagamit sa pag-produce ng mga pekeng selyo at labels.
Ayon sa pamunuan ng BOC, ito ay bilang pagsunod sa commitment o pakikipaglaban ng kanilang mga tauhan laban sa smuggling at proliferation ng mga puslit na sigarilyo sa loob ng Metro Manila at ibat-ibang lugar sa Filipinas at upang maiwasan ng mga importer na magparating ng puslit na mga sigarilyo sa alinman puwerto sa bansa.
Nanghinayang naman ang ilang port users sa isinagawang condemnation sa mga nakumpiskang sigarilyo na hindi ito ang tamang solusyon dahil hindi mapipigilan ang smuggling sa bansa habang nananatili sa puwesto ang mga tiwaling kawani ng BOC. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.