PUSLIT NA SIGARILYO NASABAT NG MILITAR

sigarilyo

ZAMBOANGA CITYBULTO-bultong smuggled cigarettes ang nasabat ng militar at Philippine Coast Guard sa isang commercial vessel sa  lungsod na ito sa International Pier kahapon.

Sa ulat na ibinahagi ni  Western Mindanao Command chief, LtGen. Cirilito Sobejana, nasamsam ang mga kontrabandong sigarilyo mula sa MV Mary Joy 1.

Nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na elemento ng Task Force Zamboanga, Philippine Coast Guard, at  Task Force Aduana sa  Zamboanga wharf.

Ayon kay Col. Antonio John Divinagracia, Task Force Zamboanga Commander, nakatanggap sila ng impormasyon na libo-libong halaga ng puslit  na sigarilyo ang ipapasok sa kanilang area of responsability.

“Joint operations are intensified to curtail shipment and importation of contrabands in western Mindanao,” ani Divinagracia.

Iba’t ibang brands ng sigarilyo na itinago sa mga carton ng prutas at isda ang nadiskubre at nasamsam ng mga sundalo ng sampahin ang MV Mary Joy na isang passenger vessel na nagmula sa  Jolo, Sulu.

“Operations are coordinated and strengthened to assist law enforcers in pursuing smugglers and suppressing illegal importation of goods within the borders of western Min­danao,” pahayag naman ni  Lt. Gen. Cirilito Sobejana. VERLIN RUIZ

Comments are closed.