MAGUINDANAO- NAHARANG ng mga tauhan ng Philippine Navy ang bulto ng puslit na sigarilyo sa karagatang sakop ng lalawigang ito.
Sinabi ni Datu Blah Sinsuat (DBS) Mayor Fatu Mashall Sinsuat, mahigit 100 karton na mga smuggled cigarettes ang na-harang ng Navy sa apat na nautical miles north east sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.
Ang illegal na kontrabando ay nagmula pa sa Jolo na ikinarga sa motor boat.
Hinuli naman ang limang crew ng bangka na sina Masillam Sabburani 45 anyos, Asah Hadjirul 39, Alkabid Jumdaing 26, Kabil Hadjirul 25, at si Sman Hadjirul, 40-anyos.
Walang naipakitang dokumento o kaukulang papeles ang mga inaresto sa awtoridad sa pangunguna ni Lt. Ariel Mogol kaya hinuli sila at tinurn-over sa DBS-PNP sa pamumuno ni Major Ronald De Leon.
Pinuri naman ni Mayor Datu Marshall Sinsuat ang tropa ng Philippine Navy at pulisya dahil sa pagiging aktibo ng mga ito lalo na sa mga dumaraan sa kanilang lugar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.