HE that plants trees loves others besides himself. – Dr. Thomas Fuller
Akmang-akma ang katagang ito sa mga taong higit na pinahahalagahan ang kalikasan dahil sa ganitong paraan, ang ating mga susunod na henerasyon ang siyang makikinabang.
Likas na sa kanya ang pagtulong sa kapwa at sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay, kaalaman, at kawang-gawa maski sa malalayong lugar na naapektuhan ng mga kalamidad katuwang ang kanilang kawani sa Glorious Industrial and Development Corporation o mas kilalang “The Stevia Company” dahil sa mga produkto nitong may sangkap ng natural na pampatamis hatid ng stevia plant kaya naman maituturing na healthy ang kanilang mga produkto — siya si Ms. Maura David de Leon, ang founder ng Glorious.
Ang buong akala ni Ms. Maura de Leon ay nananaginip pa siya nang mailunsad na sa wakas ang The Glorious Project sa Karilagan Sweet & Fit Stevia Farm sa Tambubong, Bocaue, Bulacan na layong makapagtanim ng Glorious Mango Trees sa buong bansa.
Sa paglulunsad ng proyekto, nakapagbahagi ito ng 200 Glorious mango trees sa mga lokal na opisyal ng Barangay Tambubong kasabay ang ibang mga lugar tulad ng Samar, Bicol at Cagayan de Oro.
Naisip ni Ms. De Leon ang proyektong ito sa kasagsagan ng ulan habang bumibiyahe siya kasama ang ilang malalapit na kaibigan dahil nababahala siya sa mga balitang naidudulot ng global warming – kaunting ulan pa lang, sobrang baha na agad!
Nang mabanggit niya ito sa kanyang mga kaibigan, natuwa siya dahil ito rin pala ang iniisip nila kaya naman lalo siyang naging pursigido na mabuo ang proyektong ito na agad naman nilang sinimulan ang pagbuo ng Facebook Page na “TREE Planting Challenge” na nakakuha rin ng atensiyon sa iba’t ibang bansa.
Sadyang ang Diyos ay gumagawa ng paraan para sa mga taong may mabubuting hangarin sa kapwa at sa kalikasan dahil nakilala niya si Al Ian Barcelona, volunteer advocate, chief awesome officer ng AIB Training, Consultancy & Events Corp. para maisakatuparan ang proyektong ito.
Umani naman ng papuri ang proyektong mula sa mga municipal official ng Bocaue, Barangay Tambubong, SK at municipal agriculturist dahil sa napili nitong Glorious Mango Trees na ipinamahagi at patuloy pang itatanim dahil malaki umano ang pakinabang nito sa komunidad.
Si Ms. Maura David de Leon, tinagurian ding “Philippine Stevia Queen” dahil sa pagtataguyod ng konseptong Sweet & Fit Stevia powder” natural sweetener. Siya rin ang puso ng Glorious – The Stevia Company. CRIS GALIT
Comments are closed.