PUSONG GINTO

Siya ang sikat na singer na si Jon Bon Jovi.

Nalikha ang sikat na American rock band na Bon Jovi mula sa kanyang pangalan, sa Sayreville, New Jersey noong 1983. Singer si Jon Bon Jovi, keyboardist si David Bryan, drummer si Tico Torres, mga guitarists sina John Shanks at Phil X, percussionist si Everett Bradley, at bassist si Hugh McDonald. Original bassist si Alec John Such, pero umalis siya sa grupo noong 1994, at umalis din noong 2013 ang kanilang longtime guitarist and co-songwriter Richie Sambora.

Sumikat ang grupo dahil sila ang nagsilbing tulay sa pagitan ng heavy metal music, rock at pop.

Noong 1984, inilabas ng Bon Jovi released ang kanilang self-titled debut album. Umabot sa Top 40 ng Billboard Hot 100 ang single na “Runaway.”

Noong 1986, sumirit ang kasikatan ng grupo at nagkaroon ng global re­cognition sa kanilang third album na Slippery When Wet, na bumenta ng higit pa sa 20 million copies at nakasama pa ang tatlong Top 10 singles sa Hot 100, kung saan ang nag-No. 1 pa ang “You Give Love a Bad Name” at “Livin’ on a Prayer”. Ten million naman o higit pa ang kinita ng kanilang fourth album na New Jersey (1988). Nakasama sa Top 10 singles ang “Bad Medicine” at “I’ll Be There for You”.

Noong late 1980s, nakakuha sila ng double-platinum sa Keep the Faith album, kung saan kasama ang “Bed of Roses”. Sinundan pa ito ng kanilang biggest-selling at longest-charting single na “Always” noong 1994. Sa album na These Days (1995), mas sumikat sila sa Europe kesa US.

Saglit silang nagpahinga, at muling bumalik noong 2000 sa album na Crush, na mas sumikat sa lead single na “It’s My Life”.

Sinundan ito ng Bounce noong 2002.

Platinum albums naman ang Have a Nice Day (2005) at Lost Highway (2007) kung saan na-incorporate ang elements ng country music sa ibang kanta, kasama ang 2006 single na “Who Says You Can’t Go Home”, na nagpanalo sa kanila ng Grammy Award.

Nagpatuloy ang pagsikat ng grupo sa year of the millennium.

Sa ngayon, ang personal na yaman ni Jon Bon Jovi ay umaabot na sa $410 million, at may chain of restaurants siya, na negosyong itinayo niya for his old age. Paminsan-minsan, siya mismo ang naghuhugas ng mga tray at plato sa ‘Soul Kitchen’ sa Newark, New Jersey, isang lugar na itinayo niya para sa mga homeless. Sa na­sabing lugar, pwede silang kumain ng libre forever !

Hindi ba tunay na idol talaga si Jon Bon Jovi?