IPINAGMALAKI ng isang bikolana na nakabase sa Wellington, New Zealand ang kanyang gawang puto calasiao na kulay ng watawat ng Pilipinas para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, Hunyo 12 sa nasabing bansa.
Ayon kay Cora Laureano, tubong Masbate sa rehiyong Bicol na isa nang ganap na mamamayan ng naturang bansa, ginawa niya ang kakanin sa pangalawang pagkakataon upang ipakita ang kanyang pagka-Pilipino saan mang sulok ng mundo.
“Naisip ko lang something to connect my Filipino heritage and showcasing it, nagkataon naman na Philippine Independence Day kaya I decided the flag” saad ni Laureano.
RUBEN FUENTES